LATE UPDATE: FRANZ PUMAREN, WALA NA SA LA SALLE BENCH

FRANZ PUMAREN

FRANZ PUMAREN

ni JA Conde

Makalipas ng 11 taon at 5 na kampeonato, nag-resign na si Franz Pumaren bilang head coach ng DLSU Green Archers sa UAAP. Siya ay nag-resign dahil sa kanyang buhay bilang pulitiko na kung saan siya ay may balak na tumakbo sa kongreso ng District 3 sa Quezon City sa susunod na halalan sa 2010. Sa kanyang huling season bilang coach ng nasabing iskwelahan, hindi niya ipinasok ang Green Archers sa Final Four makalipas ng 15 na taon.

Pumaren, 46, sa ngayon ay isang konsehal sa nasabing distrito na kung saan tatlo na ang termino niya. Siya ay naglaro bilang point guard sa San Miguel at Mobiline sa PBA magmula 1986 hanggang 1997. Pagkatapos matalo sa Kongreso noong 1998, siya ay naging  coach ng La Salle noong taong ding yun, at nagkaroon pa ng 4 na sunud-sunod na kampeonato sa UAAP magmula 1998 hanggang 2001. Tinulungan niya ang mga career nina Don Allado, Ren-ren Ritualo. Mark Cardona, Joseph Yeo, JV Casio, at Rico Mairehofer.

Sa ngayon, ayon sa mga tsismis, ang kanyang nakakabatang kapatid na si Dindo ang papalit sa kanya..

UAAP UPDATE: Sinibak bilang coach ng NU si Manny Dandan makalipas ng 9 na taon na pamamahala sa NU. Ayon sa mga tsismis, isang National coach ang papalit sa kanya. Naging coach siya ng NU noong 1998 (pinalitan niya si Sonny Paguia) at binigyan niya ng isang Final 4 na appearance ang NU noong 2001 bago siya palitan ni Rico Perez nang sumunod na taon. Bumalik na lang siya noong 2005.

Advertisements
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: